Connect
To Top

Ogie Diaz on Liza – Enrique breakup: “ayaw na ni Liza, si Quen gusto pa”

Entertainment columnist and talent manager Ogie Diaz revealed that actors Enrique Gil and Liza Soberano has decided to go on their separate ways. The eight year relationship of the two well-loved couple in the entertainment industry has ended.

In his “Showbiz Update” vlog, Ogie revealed that Enrique still wanted to continue the relationship, but Liza wanted out.

“Actually, nakarating din sa akin yan na split na o break na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Parang nag-ugat ito sa mga pronouncement o naging statement o mga nakaraang interviews ni Liza, never niyang binanggit si Enrique Gil,” started Ogie.

“Tapos yung parang hindi pa siya pabor sa mga pagtatatag ng love team kaya nagkaroon ng agam-agam na baka nga wala na sila kasi una, hindi niya pinagmamalaki ang boyfriend, kasi kung ano magpo-post yan si Liza,” Ogie added.

“Tapos nung birthday ni Enrique wala rin greeting online. Pero nanatiling nananahimik sila pareho sa isyung ito. Parang yun na lang ang konklusyon ng karamihan lal na ng mga sumusubaybay sa LizQuen, kung wala na ba talaga sila.” Ogie said.

“Ang nakarating sa atin, hiwalay na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Hindi ko alam kung pareho nilang gusto ‘yun pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kanyang career programming, kaya wala na raw,” the actress’ quips Ogie.

“Ang nakarating sa atin ay si Enrique Gil yung nagpu-push pa na baka kaya, na baka posible pa ring maituloy, pwede naman niyang i-allow si Liza kung ang gusto ni Liza, na ito pa rin ang kanyang Hollywood dream pero sila pa rin,” he added.

“Kaya lang siyempre ganoon talaga, kung totoo man na wala na sina Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa relasyon ay nag-end up kayo as still friends, kung ‘di man friends ay mag-end up kayo na civil with each other,” said Ogie.

“Nakakalungkot ito dahil ako ‘yung tipong tingin ko sa kanila nung kami pa ni Liza ng manager-talent, ang ganda ng relasyon nila eh pero ewan ko siguro, hindi nga natin alam kung ano ang mangyayari bukas eh. People really change and they should be open to changes. Yun ang narinig ko, na ayaw na ni Liza, si Quen gusto pa, kaya lang nga alpha girl din itong si Liza. Anyway, sana hindi totoo,” Ogie said.

“Kung totoo man po, isa po akong nalungkot, wa echos kasi I’m rooting for both of them na ang ending nila kasal kasi alam ko kung gaano kamahal ni Quen si Liza, ganoon din naman si Liza ka Quen. Pero siyempre itong case na ‘to, hindi natin alam kung ano yung rason ng kanilang split up. Pero wala pa namang announcement so iyun ang ating aabangan.” said Ogie.

(Photo source: Instagram – @enriquegil17)

You must be logged in to post a comment Login

More in News