Regine Velasquez fangirls over Judy Ann Santos and Sharon Cuneta

Regine Velasquez fangirls over Judy Ann Santos and Sharon Cuneta

Kahit gaano pa kadaming awards at kahit inabot na niya ang tugatog ng tagumpay ay nananatiling isang fan si Regine Velasquez-Alcasid kina Judy Ann Santos at Sharon Cuneta. Inamin ni Regine sa isa niyang interview with Vice Ganda na si Sharon ay kanyang iniidolo mula pa ng pagkabata niya.

At hanggang ngayon ay naii-starstrucked pa din daw sya sa tuwing makakatabi at makakausap niya si Sharon. Ibinahagi din ni Regine na ang isang awit na paulit-ulit niyang kinakanta noong bata pa siya ay ang awiting “Mr. DJ” na pinasikat ni Sharon.

==========

Related Stories:

Baby Luna Agoncillo’s artwork receives praises from Heart Evangelista, Regine Velasquez

Sharon Cuneta at Regine Velasquez magsasama sa isang concert

Regine Velasquez and Sharon Cuneta hint about upcoming project together

==========

Sa kanyang Instagram account ay pinost ni Regine ang kanyang photo kasama sina Judy Ann at Sharon na may kasamang caption na:

“eh hindi ako maka get over sa paJaday @officialjuday tapos may paMega @reallysharoncuneta pa!!!! Grabe naman nahirapan ang heart kong fangirling”

(Photo source: Instagram – @reginevalcasid)


Share This Post