Kim Chiu reacts to Bea-Gerald-Julia issue: “Masakit iyon”

Kim Chiu reacts to Bea-Gerald-Julia issue: “Masakit iyon”

Sa isang press conference ay naitanong ng members ng media si Kim Chiu kung ano ang kanyang saloobin sa pinag-uusapang Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julie Barretto controversy. Hindi maiiwasang matanong si Kim tungkol dito dahil may isang panahon na naiugnay ang kanyang pangalan kay Gerald.

Si Kim at si Gerald ay parehong produkto ng Pinoy Big Brother house. Sila ay naging mabuting magkaibigan sa loob ng bahay ni Kuya at nang sila ay lumabas na ay nagpatuloy ang kanilang magandang samahan at ito ay nauwi sa pagkakaroon ng relasyon. Nguni’t hindi nagtagal ay natapos ang kanilang pag-iibigan.

==========

Related Stories:

LOOK: Kim Chiu and Maja Salvador spend bonding time in New York

LOOK: Julia Barretto and team prepares for upcoming volleyball match vs. Team Kim Chiu

WATCH: Kim Chiu shows her massive sneaker collection

==========

“Kayo talaga, Huwag na tayong sumali doon kasi lahat naman sila may pinagdadaanan sila ngayon,” panimula ni Kim.

“Siyempre, hindi biro iyon. Masakit iyon, so lahat sila may pinadadaanang pain. So respetuhin na lang natin ang mga desisyon nila.” dagdag pa ni Kim.

Narito ang kanyang video interview:

(Photo source: Instagram – @chinitaprincess)


Share This Post