Nadine Lustre apologizes for her father’s controversial social media post

Nadine Lustre apologizes for her father’s controversial social media post

Humingi ng paumanhin si Nadine Lustre sa lahat ng nasaktan o na-offend sa sinabi ng kanyang ama si Ulysses ‘Dong’ Lustre sa social media. Matatandaang nagpost si Mr. Lustre na statement na tila may pinapataaman:

“I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you’re desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around,” post ni Mr. Lustre.

==========

Related Stories:

Nadine Lustre stuns netizens with her sultry photos

James Reid on Nadine Lustre: “She became the only one I wanted to please”

Nadine Lustre reacts to pregnancy rumors

==========

Itinanggi ni Mr. Lustre na meron siyang pinagtutukuyan sa kanyang sinabi at ipinaliwanag na ito ay kanyang sariling opinyon lamang.

Sa kanyang guesting sa “Tonight With Boy Abunda” ay sinabi ni Nadine na huli na ng malaman niya ito dahil naka-off sya sa social media ng mga sandaling yun. Nguni’t ganun pa man ay minabuti ng dalaga na humingi na ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa sinabi ng kanyang ama.

“Kung sino man yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin.” sabi ni Nadine.
Narito ang video interview ni Nadine kasama si Tito Boy:

(Photo source: Instagram – @nadine)


Share This Post