Connect
To Top

Ogie Diaz reacts to Mayor Belmonte’s remarks: “pera po nila (taxpayers) yang ipinambibili nyo ng relief goods”

Broadcaster, actor and talent manager Ogie Diaz reacted to a statement made by Quezon City Mayor Joy Belmonte regarding her detractors. Ogie started his post by saying that he actually voted for Mayor Belmonte during the last election.

“To those who hate me, you are under no obligation to accept any of my projects [such as] housing, education, healthcare, social benefits,” Belmonte wrote on her Facebook post. “That means there will be more for those who truly have faith in me as their leader.” she added.

==========

RELATED STORIES…

QC Mayor Joy Belmonte slams critics of her COVID-19 outbreak measures

QC Mayor Joy Belmonte to her bashers: “happier to be bashed for distributing health kits than for committing plunder”

==========

On his Facebook page, here’s a partial post made by Ogie:

“Eh, parang napikon si mayora sa mga pume-pressure o tsuma-challenge sa kanya na gayahin si Mayor Isko o si Mayor Vico Sotto sa pagharap sa covid-19.

Ayan ang sagot niya tuloy. 👇👇👇

Pero ok lang ako, mayora, ha? Kahit di po ako makatanggap ng relief goods na may tatak na “Joy Para Sa Bayan” ha? Mas kailangan po talaga yan ng mga ka-lungsod ko, lalo na yung arawan lang ang kita. Tama po yan. Sana, tuloy-tuloy po ang pagbibigay ng ayuda sa kanila hanggang mawala ang covid-19 na ito.

Pero, mayora, baka type nyo namang bigyan ng pagpupugay ang mga taxpayers natin, ha? Opo, kasi pera po nila yang ipinambibili nyo ng relief goods, although mas kahanga-hanga po kayo kung ang nakalagay lang sa supot ay “from Quezon City Government” or kahit nga may nakasulat na “Buwis n’yo ‘to, anubeh?”

Pero sige po, ok na po sa akin kung meron pang naka-print na “Joy Para Sa Bayan” basta wag lang po nating kalimutan na buwis po yan ng mga taga-lungsod. Pakibanggit naman po para masabi ko sa sarili kong, “Uy, me ambag ako diyan!”

Okay lang din po kung yung mga di naniniwala sa palakad nyo o sa paraan ng pamamahala nyo ay di makasali sa sinasabi nyong pabahay nyo, pa-healthcare nyo, libreng edukasyon nyo at kahit di pa makasali sa social benefits nyo.

Bigay nyo na po yan sa higit na nangangailangan basta po tutuparin lang ang ipinangako.”

(Photo source: Instagram – @ogie_diaz / @mayorjoybelmonte)

You must be logged in to post a comment Login

More in News