Connect
To Top

Ogie Diaz to Mocha Uson: “Anong gusto mong patunayan habang pinapasweldo ka ng taumbayan?”

Pero sana, isaksak mo rin sa utak mo na hindi lahat ng nagrereklamo kay Pangulo ay Dilawan.

Ayaw mo bang iangat ang pagkababae mo? Ayaw mo bang pairalin ang pagrespeto ng mga lalake sa mga kababaihan, lalo na’t isa ka ring babae?

Kunsabagay, yung mga madre nga na humarang ng tangke sa Edsa para matigil lang ang gulo at pagdanak ng dugo, binaboy mo din. Magtataka pa ba ako?

Kung tama o ayos lang para sa yo ang ginawa ng Pangulo dun sa babae, wala naman talaga akong magagawa eh. Ikaw yan eh. Ikaw na yan eversince.

Pero isipin mo din, paano pa maipagtatanggol ni Ninoy ang sarili niya sa akusasyon mo kung sino ang mas malala sa kanila ni Pangulo pagdating sa babae kung patay na yung tao?

Anong gusto mong patunayan habang pinapasweldo ka ng taumbayan? Kahit nga ang Pangulo, kaya na niyang depensahan ang sarili niya.

Paano kung mag-sorry ang Pangulo sa inasal niya? Deadma ka na? O Mariringgan ka na naman namin ng, ‘Ayan, nag-sorry na ang Pangulo’?

Kaya wag na ikaw, Mocha. Wag na ikaw, please. Dahil babae ka at ayokong bastusin ka ng mga kalalakihan, wag na ikaw ang mag-justify sa naging behavior ng Pangulo. Lalong wag mo nang buhayin yung taong matagal nang patay na may mas nagawang kabayanihan kesa sa yo.

Kasi ayokong ibalik at i-post na naman ng mga di nakakaintindi sa iyo yung mga dati mong ginagawang pagdukot sa ari ng lalake o pagpapalamas mo ng dede mo pag nagso-show ka…

Kasi baka mabalewala ang ‘kiss entry’ nina Pangulong Duterte at ni Ninoy at sasabihin nilang, ‘Put— ina, uwian na, may nanalo na.’

Alam ko, hindi mo gugustuhing mangyari ito kasi alam ng lahat, nagbago ka na. At sana, sa pagbabago mo, wag mo pa ring kalilimutang isa kang BABAE.

At kinatawan ng mga BABAE sa gobyerno.

PS…

Sa mga followers ni Mocha, pasensiya na. Okay lang kung ookrayin nyo ko. Kung mali ako, sorry po. Pero pakisabi na lang sa mga ina at kapatid o sa mga daughters n’yo, para sa kanila ito.”

(Photo source: Instagram – @ogie_diaz/ @mochauson/ Facebook – @ogie.diaz.5/ @Mochablogger)

Pages: 1 2 3

You must be logged in to post a comment Login

More in News