Connect
To Top

INSTA PIC: Who is this guy with KC Concepcion?

Umandar na naman ang mga mapaglarong isipan ng mga netizens nang makita ang isang photo ni KC Concepion na may kasamang isang gwapong lalaki. Sari-saring speculations na ang lumutang na kesyo ito na ba bagong inspirasyon ni KC lalo na’t napapabalitang tila hiwalay na sila ni Aly Borromeo.

Ang lalaking kasama ni KC ay si Devon Spence na isang aktor at modelo at CEO ng Kuja Studios. Sa kanyang Instagram post ay tila may proyekto silang ginagawa o gagawin ni KC:

“Selfie time with the very talented @itskcconcepcion for another creative party with the Filipinos @kujastudios stay tuned! Something big is brewing!”

Marami ang nagsasabi na bagay ang dalawa at may nagsasabing sana ay ayain ni Devon na lumabas si KC.

(Photo source: Instagram – @devonspence)

You must be logged in to post a comment Login

More in News