Is Kris Aquino’s witty photo message her answer to Jay Sonza?

Is Kris Aquino’s witty photo message her answer to Jay Sonza?

Hindi na pinatulan ang Facebook post ni Jay Sonza tungkol sa pagbibigay atensyon ng media sa pagka-aksidente ng kanyang anak na si Bimby. Ayon sa batikang broadcaster ay hindi niya maintindihan kung bakit mas binigyang halaga pa ng media ang pagkadulas ni Bimby sa swimming pool kaysa sa pagputok ng bulkang Mayon at issue ng Dengvaxia.

Tinawag pa ni Jay na ‘baklain’ si Bimby. Marami ang hindi natuwa sa sinabi na ito ni Jay, bakit daw kailangan pang idamay si Bimby sa issue ng pag-cover ng media.

==========

RELATED STORIES:

Broadcaster Jay Sonza tinawag na ‘baklain’ si Bimby

Bimby rushed to emergency room after pool accident

==========

Hindi na sumagot si Kris sa sinabi ni Jay na ito at nagpost na lamang ang Queen of All Media ng isang photo message na quote galing kay George Bernard Shaw:

“Never wrestle with pigs. You both get dirty and the pig likes it.”

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Tanong tuloy na marami – ito ang reaskyon ni Kris sa Facebook post ni Jay Sonza?

(Photo source: Instagram – @krisaquino)


Share This Post