Connect
To Top

Ogie Diaz on Bato’s seminar statement: “talagang sinabi niyang wala siyang alam at mag-aaral pa siya”

Nagbigay ng kanyang saloobin ang comedian at radio commentator na si Ogie Diaz tungkol sa sinabi ni Senator elect Ronald “Bato” Dela Rosa na balak niyang umattend ng seminar o balak niyang magpaturo kung paano ba maging Senador upang matutunan niya kung ano ang dapat gawin.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Ogie na mas mabuting naging honest si Bato kaysa naman maging pretensyoso ito:

“Wag na nyong laitin si Gen. Bato at SAP Bong Go at kwestiyunin ang kapasidad nila para maging Senador.

==========

Related Stories:

Bato Dela Rosa seeks for lawmaking seminar: “Ano ba ang mga trabaho namin diyan sa Senado?”

Manny Pacquiao offers to help Bato Dela Rosa about Senate work

Angel Locsin explains photo with Bato Dela Rosa: “May issue ba?”

==========

Ilan din naman yung mga senador na may mataas pang pinag-aralan na ine-expect pa nating performing, pero sinamantala lang ang pwesto.

Buti nga itong si Bato, hindi pretensyoso. Talagang sinabi niyang wala siyang alam at mag-aaral pa siya. Kesa mag-ilusyon siyang alam niya ang trabaho ng isang senador kahit hindi naman, mas nakakabuwisit yon.

Ako nga, di ko ibinoto sina Bato at Go, pero dahil sila’y halal na, eh respeto pa din ang gusto kong ibigay sa kanila at panalangin na sana’y magampanan nila ang iniatang na responsibilidad sa kanila.

Let’s give them a chance. Tandaan: si Nancy Binay noon, katakutakot din ang lait sa kanya, pero performing ang lola sa Senado.

Kaya yung mga hindi pa din matahimik diyan at okray pa rin nang okray kay Bato eh di sana, kayo na ang kumandidato, tutal, ang tatalino nyo eh. Kayo na.”

(Photo source: Facebook – @batodelarosaph)

You must be logged in to post a comment Login

More in News