Pauleen Luna-Sotto nag-react sa komentong kahawig daw ni Talitha si Ryza Mae

Pauleen Luna-Sotto nag-react sa komentong kahawig daw ni Talitha si Ryza Mae

Nag-react na si Pauleen Luna-Sotto sa mga komento sa puna na tila magkahawig o magkamukha daw si Talitha Maria (anak ni Pauleen at Vic Sotto) at si Ryzza Mae Dizon. Sa isang Instagram post ni Nanay Lolit Solis ay ipinabatid ni Pauleen ang kanyang saloobin patungkol sa issue na ito.

Sa comment section ng Instagram ni Nanay Lolit, ito ang isinulat ni Pauleen:

==========

Related Stories:

Pauleen Luna pinayuhang alagaan muna ang anak bago ang pagbalik sa showbiz

Sino ang kahawig ni baby Talitha Marie Luna Sotto – Pauleen or Vic?

INSTA PIC: Cuteness overload – Talitha Marie Luna-Sotto

==========

“Thank you nay! Wala naman sigurong nanay ang papayag na kung ano ano sabihin sa anak niya. If other people think that Tali looks like Ryzza, no problem ❤️ but for me, she’s a combination of her mom and her dad. Pero para magcomment ng kung ano ano lang, para lang may masabi, at halatang may malisya yung comment, eh hindi naman pwede yun. Pati ako nadadamay na, ang daming imbento tungkol sakin 🤣 Hay oh well! 😂😂😂 May mga tao talagang madaming hanash! 😂😂😂”

(Photo source: Instagram – @pauleenlunasotto)


Share This Post