PBB: Netizens send mixed reactions over Kiara’s decision to nominate Gino for eviction

PBB:  Netizens send mixed reactions over Kiara’s decision to nominate Gino for eviction

Marami ang hindi natuwa sa desisyong ginawa ni Kiara Takahashi sa pag-nominate nya kay Gino Roque for eviction sa Pinoy Big Brother (PBB). Alam ng marami na nagpakita ng motibo si Gino kay Kiara at ipinapakita ni Gino ang lahat ng kanyang magagawa para pangalagaan si Kiara sa loob ng bahay ni Kuya.

May mga netizens na nagsasabi na hindi sila sumasang-ayon sa ibinigay na dahilan ni Kiara kung bakit niya pinili si Gino, dahil daw kahit lumabas na ito sa bahay ni Kuya ay maayos na ang buhay nito dahil nga sa may negosyo ito. Sinasabi ng ilan na walang kinalaman ang estado sa buhay ni Gino para manatili sa loob ng PBB house. Para sa iba naman ay isa itong pagtalikod sa samahan nila ni Gino.

==========

Related Stories:

PBB: Gino Roque naluha nang pinili ni Kiara Takahashi for eviction

PBB Diana Mackey inamin na hindi niya feel na gusto sya ni Sky Quizon

PBB Sky Quizon reveals he is open to the idea of having a relationship with a man, gay or lesbian

==========

Yung iba naman ay naiintindihan ang desisyon ni Kiara. “It’s all part of the game’ ika nga ng iba. Walang personalan at ito’y isang laro lamang. Naging objective lamang daw itong si Kiara, and besides tatlo daw silang nag-desisyon dito at hindi lang si Kiara. Kasama ni Kiara sa kanyang team siina Sky Quizon at Hasna Cabral.

Hindi mapiligan ni Gino ang kanyang pag-iyak nang siya ay iboto ni Kiara, na ang tanging nasabi na lamang niya ay ‘Bakit?”

(Photo source: Youtube screengrab – @Pinoy Big Brother)


Share This Post