Vice Ganda at Jackque nag-iyakan sa “It’s Showtime”

Vice Ganda at Jackque nag-iyakan sa “It’s Showtime”

Marami ang nagulat ng biglang naging emosyonal si Ate Girl Jackque Gonzaga sa “It’s Showtime” nang sinagot niya ang katanungan ni Vice Ganda kung siya ba ay ipinagdarasal ni Jackque. “OO, palagi. Araw-araw, gabi-gabi,” ang naging tugon ni Jackque.

Noong una ay ayaw maniwala ni Vice nguni’t sinabi ni Anne Curtis na tila sincere naman si Jackque sa kanyang naging sagot. Kaya naman tinanong siya ulit ni Vice kung ano ang prayer ni Jackque para sa kanya.

“Sabi ko, i-bless ka, pati pamilya mo, tsaka yung happiness mo. Yun lang OK na ako. Totoo, kasi totoong pinagdadasal talaga kita eh. Galing talaga sa puso ko ‘yon. Sobrang nag-uumapaw kasi ‘yung love and ‘yung hope and yung pag-wish ng puso ko para sumaya ka.” ang sagot ng naluluha ng si Jackque.

Dahil sa sagot ni Jackque ay hindi na rin mapigilan ni Vice ang maluha at nagbigay ito ng mensahe kay Jackque.

“Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa ‘yo. Masyado mo akong ano… Mabait talaga ito. Love talaga ako nito. Mahal ako nyan.” sabi ni Vice.

Here is the video:

(Phto source: Facebook – @/itsShowtimena)


Share This Post