WATCH: Vice Ganda plans to setup 1st ever all-gay school

WATCH:  Vice Ganda plans to setup 1st ever all-gay school

Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang planong magpatayo o magbukas ng isang all-gay school para sa mga LGBT na nahihirapang pumasok sa mga eskwelahan. Ipinarating ni Vice ang planong ito sa “It’s Showtime” nang ang isang TNT contestant ay nag-granduate ng mass communication.

Ayon kay Vice, siya daw ay lubos na natutuwa kapag may nababalitaan siyang nag-graduate na LGBT dahil hindi daw nya ito naranasan.

==========

Related Stories:

Vice Ganda and Ion Perez spotted shopping together at a mall

Jackque Gonzaga asked by Vice Ganda about her love life: “Pag may lamat na mahirap nang ibalik sa dati”

Vice Ganda on seeing Nadine, Liza, and Kathryn: “Nare-realize nila ang pangit nila”

==========

“Alam mo nung isang araw napag-usapan namin, di’ba merong mga all-boy school, all-girls school? Bigla akong gumising na sabi ko parang gusto kong gumawa ng eskwelahan, yung all-gay school. Kasi di’ba, ang daming bakla na nahihirapang mag-aral dahil hindi sila inaaccept nung eskwelahan, di sila inaaccept nung mga kasama nila sa eskwelahan.

Dahil lang sa bakla sila, hindi nila narireach yung full capacity nila dahil nagtatago, dahil natatakot sila sa mga kasamahan nila sa eskwelahan. Pero kung merong isang eskwelahang yayakap, tatanggap, at susuporta sa kanila, lahat ng potensyal mailalabas. Hindi natin alam baka yung baklang binubully niyo, yun na ang susunod na presidente.”

(Photo source: Instagram – @praybeytbenjamin)


Share This Post