Connect
To Top

Jodi Sta. Maria admits her heart belongs to Jolo Revilla

Marami ang nagsasabi na ‘Love is sweeter the second time around.’ Ito din tila ang nararamdaman ni Jodi Sta. Maria sa kanyang partner na si Jolo Revilla. Sa kanyang guesting sa ‘Tonight With Boy Abunda’ ay tinanong si Jodi ni Boy Abunda sa kanyang ‘2BeHonest’ segment.

“Jodi, kung dalawa ang puso mo, sinong dalawang lalaki ang bigbigyan mo nito at bakit?” tanong ni Boy.

==========

Related Stories:

Jodi Sta. Maria at Thirdy sumubok ng Samurai sa Japan

Jodi Sta. Maria itinangging nagkabalikan sila ni Jolo Revilla

Vice Ganda ibinuko si Jodi Sta. Maria na may crush kay Ian Veneracion

==========

Medyo natigilan si Jodi at balak saguting si Thirdy nguni’t sabi ni Boy ay hindi kasali si Thirdy sa pagpipilian.

“Kuya ko, kasi konti lang naman ang lalaki sa buhay ko,” sabi ni Jodi. “Eto na, and first time na sasabihin ko na naibigay ko na sa kanya ang puso ko – kay Jolo.” dagdag ni Jodi.

(Photo source: Instagram – @odichrissie)

You must be logged in to post a comment Login

More in News