Kristine Hermosa napasigaw sa motorcycle accident ni Oyo Sotto

Kristine Hermosa napasigaw sa motorcycle accident ni Oyo Sotto

Nag-alala at napasigaw si Kristine Hermosa nang sumemplang ang motorcycle na sinasakyan ng kanyang asawang si Oyo Sotto habang ito ay nakikipag-compete sa MMF Supercross 7. Sa isang Instagram post ay makikitang bumagsak ang motorcycle ni Oyo habang dumadaan sa ilang mga terrain challenges.

Maririnig sa background ang pagsigaw ni Kristine dahil sa pagbagsak ng motorcycle ni Oyo.

Sa post ni Oyo ay nagpasalamat ito sa Panginoon dahil wala namang seryosong injury na nangyari sa kanya. Narito ang kanyang post:

“Hard crash from yesterday! Round 6 MMF Supercross 7. Still…. GOD IS SO GOOD! Thank you Lord for the protection.. ibang klase! Could’ve been worse.. Thank you @khsotto alam ko sobrang nag alala ka… Thank you Lord Jesus dahil ok kami? Finished 4th”

(Photo source: Instagram – @osotto)


Share This Post