Carlo Aquino inaming si Angelica Panganiban ang girlfriend na gusto nyang balikan kung saka-sakali

Carlo Aquino inaming si Angelica Panganiban ang girlfriend na gusto nyang balikan kung saka-sakali

Mainit na pinaguusapan ang tambalang Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Matatandaang nagkaroon ng relasyon ang dalawa nang sila ay mga bata pa. Sa kanilang separate guestings sa ABS-CBN weekend program na ‘Gandang Gabi Vice’ ay inamin ni Carlo na kung saka-sakaling naging sila muli ni Angelica na ngayon ay mas mature na sila ay malaki ang posibilidad na baka maging sila na ang nagkatuluyan.

Sa interview naman ni Angelica ay sinabi ng aktres na nanatili silang magkaibigan ni Carlo. Ayon kay Angelica ay maayos ang kanilang paghihiwalay na Carlo at walang galit. Inamin din ni Angelica na lumalabas sila ni Carlo at nadidinner dahil marami silang paguusapan.

==========

Related Stories:

Tweet ni Carlo Aquino, para ba kay Angelica Panganiban?

Sino kaya ang nagpadala ng bulaklak kay Angelica Panganiban?

Angelica Panganiban narrates how she was made to pay the bill of ex-bf

==========

Sa isang Youtube video interview ng StarsPhotog Vidz ay itinanong kay Carlo kung sinong girlfriend ang kanyang babalikan kung saka-sakali? Si Angelica ang sinagot ni Carlo.

Nguni’t mabilis na idinagdag ni Carlo na mas iniingatan niya ang kanilang friendship ni Angelica at yun ang isang bagay na ayaw niyang mawala.

Ibinahagi ni Carlo ang isang insidenteng nagkita sila ni Angelica sa ABS-CBN at nagkomento siya ng ‘Wow hanep ang ganda ha!’. Ang sagot ni Angelica: “Ito yung pinakawalan mo” sabay tawa.

(Photo source: Instagram – @angelix_phl)


Share This Post