PBB: Netizens tuwang-tuwa sa ‘treat’ at ‘threat’ nina Argel at Wealand

PBB:  Netizens tuwang-tuwa sa ‘treat’ at ‘threat’ nina Argel at Wealand

Habang nasa kalagitnaan ng pag-nominate kung sino ang mga makakasama sa eviction list ay biglang nagbitaw itong si Argel Saycon ng isang salita na bumasag sa kaseryosohan ng nagaganap na nominasyon.

“Huli po ay si Kiara, kasi isa kang ‘treat’ para sa amin’ sabi ni Argel na agad namang itinama ni Wealand Ferrer at sinabing ‘threat’.

==========

Related Stories:

PBB: Netizens send mixed reactions over Kiara’s decision to nominate Gino for eviction

PBB: Gino Roque naluha nang pinili ni Kiara Takahashi for eviction

PBB Diana Mackey inamin na hindi niya feel na gusto sya ni Sky Quizon

==========

Halatang nagpipigil ang ibang housemate na tumawa dahl nga napaka-intense at serious ng botohan nguni’t halata pa ring natawa sila sa ginawa ng dalawa. Mismong si Kiara na kanilang binoboto ay natawa sa sinabi ng dalawa. Pati ang mga netizens ay tuwang-tuwa dito at pinaguusapan nila ang nangyari kina Argel at Wealand.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube screengrab – @Pinoy Big Brother)


Share This Post