WATCH: Interview ni Karla Estrada kay Chokoleit hindi nagustuhan ng netizens

WATCH:  Interview ni Karla Estrada kay Chokoleit hindi nagustuhan ng netizens

Nag-guest sina Chokoleit at Lee O’Brian sa ABS-CBN morning show ‘Magandang Buhay’ na kung saan ay hosts sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Si Chokoleit kasi ang isa sa mga pinili nila Pokwang at Lee na maging godparent ng kanilang anak na si Baby Malia.

Sa panayam ni Karla ay hiningan niya si Chocoleit na magbigay ng three wishes para kay Baby Malia na kapareho ng mga kwento sa fairy tales.

==========

Related Stories:

Karla Estrada explains why she wants people to know about Daniel’s advocacy

WATCH: Karla Estrada naglalaba pa din kahit maykaya na sa buhay

Karla Estrada flaunts curves in this throwback photo

==========

“Di ba sa fairy tales, yung mga fairies, although di ka naman mukhang fairy,” sabi ni Karla. Agad na nagreact si Melai at sinabing “Bakit naman ganun guest natin yan”.

Dinedma na lang ni Chokoleit ang sinabi ni Karla at sinabing ang mga fairies na mahihirap ang siyang nagbibigay ng powers.

“Sige pagbibigyan kita kasi guest ka,” sagot ni Karla.

Hindi nagustuhan ng mga netizens ang sinabi ni Karla at ipinaramdam nila ang kanilang saloobin sa comment section ng Youtube:

– “watch the reaction of melai. napabuntunghininga na lang siya sa inasal ni karla.”

– “Pagbibigyan kita dahil guest ka” at “Di ka naman Fairy” grabe naman itong BALYENA na ito akala mo kung sino. Palitan niyo na nga iyan nakakabwesit. 😠”

– “Grabe naman makalait si karla, di na nakakatuwa jusko. Btw ang galing na magtagalog ni Lee 💙”

– “Karla is so rude!!! Naka walng gana syang panoorin. Its suppose to be a family show pero shes not nice to the guests and or Melai.!:”

– “naiirita talaga ako kay karla feeling masyado”

– “Ang harsh naman ni karla, hindi dapat ganyan ang host. Halatang panlalait, hindi n sya joke. Mas maigi pang alisin n sya jan, palitan n sya.”

– “wlang galang s mga host c karla sbra n mgsalita.dpt d gnun mga cnsbi nya..ms ok p c melai”

Narito ang video:

(Photo source: Instagram – @_magandangbuhay)


Share This Post